Where Da Hell Is Kopong Kopong?
Nawalang parang bubble? Naglahong parang phantom? Sumama ke jennifer? Ke Bulak? Nagpunta sa timbuktu? Sa buwan? Baka naman sa Mars? Bakit tuwing papasyalan ko si kopong kopong napupunta ke gotatay.com? Me isa na namang kumagat sa alikabok. Recession na kasi, malamang, nag recess din si kulapo. Nagsawa na siguro sa pambuburaot yun. Baka na-burn out na sa dami ng blogs.
Mga simpleng agam-agam at muni-muni ng mga repapits sa blogosphere.
Eh where da hell nga si Kopong Kopong ba?
Ganito kasi yun…. Ganun. Naintindihan mo na? O malinaw na ha?
Tapos, kumuha ako ng domain sa gotatay.com na yan. Dalawa. Isa para sa site na to, at isa para dun sa mala-impakto kong nosebleed na The Antisocial. So far so good. Nag-advance na ako ng lease for two years. Para di ko na intindihin ang renta. So far so good na naman. Tumatabo na ako ng milyon-milyong links (naman). Nasa Los Angeles pa ako nun.
Ilang taon na din ako sa LA, kaso wala pa ring nakaka-discover sa akin. Kahit na magtutuwad ako sa Hollywood Boulevard, at magtampisaw ako sa Santa Monica, at magpalaki ng masel ko sa Venice Beach, wala. Kelangan daw kasi pogi at me dating. Kahit pa anong pakyut ko, wala. Saka dahil mainit sya, di ko magamit yung mga sweater na gawa sa kopra at katcha. Pabaon pa naman ng lolo ko yun. Kaya naman naisipan kong magpahiyang. Lumipat ako sa me bandang norte. Mas malamig at me snow kaya siguradong in na in yung mga sweaters ko.
Dahil lilipat nga ako, isinara ko na yung bangko ko. Oo, me ari ako ng bangko. Dun nagkaproblema website ko. Dahil di na active yung debit card na binigay ko, ikinandado ang account ko sa napesteng gotatay.com na yan. Heller!!! Eh bayad na ko in advance ano? Kinaltas na yun sa bangko ko bago ko pa isinara.
Sempre, tawag ang lolo mo sa kanilang kostumer walang wentang service. Wala daw sila magagawa, kelangan ko daw magpadala ng bagong credit card, pati na rin voter’s id at birth certificate. Kulang na lang pati bio-data at 2 x 2. Sabi ko, eh baket? Bayad naman na ako. Nakailang kulit ako pero wala, ayaw akong kausapin, di daw pede sa telepono. Kelangan daw thru internet. Nakngteteng! Cyber ang gusto. Gusto lang atang makipag-EB. Paganun-ganun, paganyan-ganyan. Naburaot na lolo mo.
Sabi ko, blaha na kayo sa buhay nyo. Sa inyo na lang yung ibinayad ko, mga hinayupak kayo.
Nung gumaling na ako. Kinontak ko na agad ang aking tech support na si Kotseng Kuba. At dahil likas namang maawain, tinulungan nya ko mag set-up ng bagong domain, eto nga yun, http://anaknikulapo.com at oo, ipina-host ko na. Nagkukuripot pa kasi ako noong una, eto tuloy ang napala ko. Winantutri ang bayad ko. Bukod pa dun, nawala sempre yung halos isang milyon kong links. Damay pa dun yung mga subscribers ko. Oy, kahit di nila binabasa yung post ko, at least me subskrayber.
Eto ako ngayon, naglulupa na naman.
Para bumalik lahat ng yun, kelangan na namang rumampa ng byuti ko. Kaya wag nyo na subukan yang godaddy na yan ha? Pimp daddy lang yan.




















October 1st, 2008 at 9:46 am
wenk… jan sana ako kukuha dati eh… sa godaddy na yan.. pangit pala service?
October 1st, 2008 at 10:23 am
hay nakuday. super. maiimbyerna ka lang. si itot me sinasabi na mura lang na domains. heto link nya, http://www.itot54joni.com.
sabihin mo pinadala kita, sabay ilag.
October 1st, 2008 at 6:49 pm
nku ganyan pla pag nagpadomain kay gotatay.com deeefunggal xa.. kya pla di kita mhanap sa universe.. ganyan pla nangyari sa iyo.. di bale.. welkam bak..
October 1st, 2008 at 11:17 pm
oist repah. di pa pala kita nali link ulti. penge ng 125 x 125 mo.
October 2nd, 2008 at 1:34 am
wenk… si itot po ba kamo ang tinutukoy mo? nakilala ko na din siya dito sa net matagal na panahon na… kababayan ko un eh… isa din akong batanguenio… lol
exchange link po kuya? pwede?
=======
2 blogs ko ngaun….
Pinoybersyon - http://pinoybersyon.blogspot.com
Batanggero - http://batanggero.blogspot.com
thanks… mwuah…
October 2nd, 2008 at 4:50 am
meron na pala ako nakita. oks.
October 2nd, 2008 at 6:54 pm
Waah!Tagal mo di nagparamdam ah!
October 3rd, 2008 at 12:25 am
hehhe honga. winantutri kasi yung domain ko. nabwisit ako. ay, nakabit ko na ba dito yung link mo? teka check ko.
October 3rd, 2008 at 10:10 pm
alam mo bang naghire pa ako ng detective para mahanap ka.. hahaha..
relak ka lang kase hanggat may napapatawa kay siguradong may mambabasa ka
October 4th, 2008 at 1:02 am
me account ako sa gofafu na yan. naalala ko di ko fa fala nagagamit…nyah! anyways…marami ang natutuwa sa iyong pagvavalik!
October 4th, 2008 at 2:44 am
nyehehhe. sino namang detective nakuhu mo ferbert, ala-SOCO?
tenkyu timi. ehem sino kaya yun? lols!
October 4th, 2008 at 7:09 pm
ay andon ako sa AgogoDaddy paano kaya pag renewal na, malulugon kaya ang buhok ko sa kunsumisyon nyan?
October 5th, 2008 at 1:42 am
wag naman sana. kaso hirap makipag-usap sa mga yan eh. parang ayaw na tatawagan sila. gusto puro online lang. sabi ba naman saken, kelangan ko daw gawin online. eh hanlabo!!! di nga ako makapag log on eh, kasi locked yung account ko. hanggulo.
October 5th, 2008 at 1:56 am
kaya naman pala nag laho kang parang bubble..
dahil sa sulongtatay.kom
tsk tsk.
jan pa man din sana ko kukuha ng domain kc mura.
haizt.
October 5th, 2008 at 2:21 am
me sinasabi si itot na mura lang. wag ka na mag gotatay.
October 5th, 2008 at 2:38 am
salamat at naupdate ko na din ang pambato ko sa patimpalak mo. http://itot54itot.wordpress.com/2008/10/05/sikatchupoy-ka-talaga-buraot-contest-2/
October 5th, 2008 at 2:41 am
dun yun sa yahoo small business. un unang taon e $2 lang tapos un susunod e $34 na.kaya bago maexpire e itatransfer mo na. kaso yun sa yahoo na yan kapag wala un www sa url e hindi nareredirect. sa namecheap.com talga ako nakuha ng domain, $10 a year dun. wala naman problema. nakakapagsetup pa ako ng subdomain.
October 5th, 2008 at 7:02 am
naks, dami mo entry itot. hehehe.
October 8th, 2008 at 6:47 am
[...] Kung bakit sya nawala eh eto ang kanyang paliwanag… where da hell is kopong kopong [...]
October 9th, 2008 at 1:04 am
oi, ganda ng blog mo. i like the colour and ang gaan ng loading ng page.
thanks for the visit.
October 9th, 2008 at 1:41 am
hey ipanema. can’t believe na dumaan ka sa pipitsuging blog ko. hehehe. tenks.