» Blog Archive » Ang Alamat ng Singkong Kulot
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Ang Alamat ng Singkong Kulot

Naabutan mo na ba ang singkong kulot? Kung ikaw ay myembro ng generation XYZ, malamang hindi. Pero kung ikaw ay kasingtanda na ni Kopong Kopong, sigurado, pasok ka!

Wala lang. Kasi habang nagmumuni-muni ako habang nanonood ng palitan ng dollars at pesoses, di ko maubos maisip kung bakit, habang tumatanda ako, lumiliit ang halaga ng pera. Naiisip ko tuloy kapag natigbak na ako eh can’t afford ko na ang halaga ng kabaong. Kahit magpa-cremate mahal din.

Balak ko sana wag na mamatay para di ako magastusan. Pero malabo. Kaya ang solusyon ko dun, para makatipid, bibili na ako agad ng kabaong habang medyo mura-mura pa ang kahoy. Narra para mas matibay hindi bubukbukin.

Enihoo, naalala ko din yung pera noong araw, noong mga panahong nasa elementary pa kami ni Mahoma. Noon kasi, yung baon kong beinte singko sentimos, nakakabili na ako ng palamig at sinulbot (banana cue po iyon). At sempre, me tira pa ako para ipambayad kay Ma’am dun sa pulburon na ibinebenta nya sa classroom. Kahit di masarap, kelangan bumili ka ke ma’am para mataas ang grade mo. Nakakaiwas lang kami bumili ng polvoron kapag me supply na nutri-bun sa canteen. At kapag me piso ka, makakabili ka na ng house en lot. At ang mga singko ay iniipon namin. Nautuwa kasi kami dahil kakaiba sya, kulot.

At kahit bata pa kami, me savings account na kami sa Banco Filipino. Yung mga sampera na square ang madami kaming naiipon, bukod kasi sa paborito yung ipamigay ng mga lolo’t lola namin, magaan din kasi sya sa bulsa. Sa sobrang gaan nya, lumulutang sya sa tubig. Oo, pramis.

Hinalughog ko ang internet para malaman kung bakit ginawang kulot ang singko na yun. Di naman kulot si Tandang Sora. (tol, piktyur nya ang nakalagay dun, see pic. ayun andun sa itaas) Kaso, wala akong makita eh. Siguro kaya ginawang kulot yun, para kapag hinahawakan mo, madali mo syang malalaman kung singko nga sya. Siguro din, dahil disco era noong mga 70’s, uso ang afro, kaya ayun, sumunod sila sa uso. Baka rin naman kulot yung chairman ng banko sentral noon.

Ngayon me singko pa rin naman, kaso mo butas na sya. At di ko rin malaman kung bakit nag-i-isyu pa nito. Eh yung beinte singko nga wala ka na mabili eh, singko pa kaya. Mas mahal pa nga ata ang value nung bakal na ginagamit para gumawa nito. Sana ginawa na lang nilang plastic para mura. Pwede pa i-recycle.

Di naman ako nahirapan maghanap ng piktyur ng singkong kulot. Yun, madali hanapin. Kaso hanggang ngayon, di ko pa rin makita yung kapatid ng singkong kulot, si singkong duling. Bukas ko na lang sya hahanapin, gabi na.

9 Responses to “Ang Alamat ng Singkong Kulot”

  1. Anak ng Kulapo « *boSsAbOs* Says:

    [...] singkong kulot na syempre eh hindi ko na inabutan (ehem) [...]

  2. Anak ni Kulapo » Turon Kayo Dyan! Says:

    [...] at nanganganib na ang pesteng kampyuter ko. Wala pa naman akong pambili ng bago dahil puro singkong kulot ang laman ng bulsa ko. Ito pa naman ang tanging libangan [...]

  3. Sikatchupoy Ka Talaga Buraot - Contest! « Ang Dakilang Tambay Says:

    [...] taong ito ay tunay na napakakwela. Lahat ng storya sa blog niya ay siguradong mawiwili ka. Kahit sinkong kulot ay walang ligtas sa kanya, pati ang sasakyan niyang si Tagpi ay kanyang pinararampa. Akalain mong [...]

  4. paperdoll Says:

    hanapin mo kaya sa byenan nya. . si singkong laseng. . wahahaha. . korni:P

    paperdoll’s last blog post..WILLIE OF FORTUNE

  5. paperdoll Says:

    sa’yo lang ata galing lahat ng comment na toh. . ampf:-s

    paperdoll’s last blog post..WILLIE OF FORTUNE

  6. BURAOT Says:

    hehhe. hinde comment yang iba jan, mga pingback. mga post nung iba na nilagay yun link nitong post na to. hehehhe.

  7. kaiLangan dAw may gaNito eh para mAgkadatUng… « *boSsAbOs* Says:

    [...] nyo baka magkapera kayo… Kagaya ko wala pa kahit singkong kulot… Pero malay nyo eto na ang panahon para makaahon kayo sa pagkakalugmok sa putik… [...]

  8. glesy the great Says:

    200 na papel lang ang naabutan kong inilabas eh ahaha (pabata?) cheers;p-glesy the great

    glesy the great’s last blog post..Wrecked Sweet Home

  9. BURAOT Says:

    nye, 200? alat daw yun eh. kaya di ako naglalagay nun sa walet. lols!

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana