» Blog Archive » Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Bwena Mano
MGA WAGI!
Narito ang mga nanalo at mag papartehan sa $550.00 na premyo sa Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Para sa listahan ng mga nanalo ng milyun milyung singkong kulot... Klik mo mukha mo dito!
Where Da Hell is BURAOT?
COMING SOON!
TagNgYan Talaga Oo!
Dear Ate Charo:
Salimpusa

Sikatchupoy si BURAOT Contest!

Heto na po ang sinasabi nilang delubyo. Kung di mo alam ang delubyo, itanong mo muna sa lolo mo. Mula sa pinagsama-samang hanging amihan at habagat mula sa mga aplaya ng Timbuktu at mga masamang hanging nagmula sa kumukulong tyan ni BURAOT… ang pinaka pautot ng mga pautot.

Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest!Yahoooooooooooo!

Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.

As op the latest chika, wala ng time limit ang pautot na ito. Kahit pa bagong panganak ang blog mo, pasok ka na.

Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.

Ano ang kelangang gawin para makasali?

1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.

Example:
“Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu. “

2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
4. Ikabit ang link ng site na ito gamit ang bagong url na www.anaknikulapo.com.

 

5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)

Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)

Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng November 30, 2008, sarado na ang botohan. Bwena mano sa Disyembre, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:

a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.

Last date of entry: 11:59 PM, November 30, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)

Babala/Paunawa/Paalala/Pahabol/P.S.:

* Kailangang may paypal ka para maipadala sa yo ang sandamakmak na sampera. Kung wala kang paypal, gumawa ka ng account. Sayang ang ibabayad sa western union.
*Ang mga premyo ay non-transferable (ibig sabihin di ko pwedeng i-transfer sa yo. heheheh. joke lang. ibig sabihin, kung ikaw ang nanalo, sa yo ko lang pwede ibigay di pwedeng mo)
* Kailangang nakaka-intindi ka ng Tagalog.
* The promotor have all the rights pertaining to the rules of this promo. Per DTO permit 02-10.
*Bawal Omehe Deto! Ang Mahole Bogbog!
* Dahil sa bagong pautot ng me-ari ng Entrecard, kung saan di na pupwedeng magpadala ng credits ng biglaan (1000 credits lang ang pwede a week) ang kalakip na premyong Entrecard Credits ay hulugan lamang. Priority na makakatanggapang Grand Prize, susunod ang 2nd prize and so on en so dorth, hanggang mapunuan ang EC credits na premyo.

Para sa mga dagdag na tanong, reklamo, epal, mag-comment lang dito o mag-email sa buraot101@gmail.com.

Hala, game na!

58 Responses to “Sikatchupoy si BURAOT Contest!”

  1. Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na! Says:

    [...] ko. Kahit pa malaki ang premyo, $550 suma total at 4,500 EC, ng aking mala impaktong pautot, ang Sikatchupoy si BURAOT Contest, ilan pa lang ang sumasali. Kahit pa walang entrance fee, walang bumibili ng paninda [...]

  2. Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Nakaboto KNB? Says:

    [...] Comments Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na! on Sikatchupoy si BURAOT Contest!Anonymous on Best Cachupoy Blogs!pmonchet on Patok na Pik-Ap Lines!Ambo on Patok na Pik-Ap [...]

  3. Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest UPDATE!!! Says:

    [...] Comments Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Nakaboto KNB? on Sikatchupoy si BURAOT Contest!Anak ni Kulapo » Sikatchupoy si BURAOT Contest: Pwede Ka Na! on Sikatchupoy si BURAOT [...]

  4. Sikatchupoy si BURAOT Contest! | Crimson Heavens Says:

    [...] su-huch a greedy bugger that I am, I had decided to join Mr. Buraot’s “Sikatchupoy si BURAOT Contest!” Yey! [...]

  5. rhyannefranz Says:

    ala eh… tuloy pa pala eto. Akala ko eh PTC scam site din eh… Nawala kc ang kopongkopong.com, akala ko tuloy nilamon na ng tuluyan ng kumukulong asupre c kulapo. Mabuti na lang pala at may nag ping back sa akin.

  6. BURAOT Says:

    hehhe tenkyu sa update ng link franz… nag-aayos pa rin ako ng site eh. saka yung mga entry nung iba, sempre kahit di nila i-update pasok pa rin yun. pero sempre mas maganda kung maii-update. hehehe.

  7. kurimaw Says:

    ur different buraot! kekeiba! ang dami mong alam parang kang guro! atleast may pinupuntahan ang pag iicip mo. nyahahahahaha

  8. rhyannefranz Says:

    may bago na naman akong entry aydol kulapo. Yung dati kong post iupdate ko na lang para masaya.

  9. BURAOT Says:

    hmnnn. pa red october red october ka pa ha? parang magkakilala tayo? hmnnnn pa ulet…

  10. BURAOT Says:

    rhyannefranz, oke, pasok na ulit yan. hehehe. tenkyu sa linkback.

  11. Anak ni Kulapo » Whoaaaa!!! Says:

    [...] mga nag-aabang dyan sa mga gilid gilid dun sa updates nung mala impaktong PAUTOT ko, pramis, ipo-post ko na pagkatapos nito. Day-op kasi nung sekretarya ko.) Posted in: [...]

  12. vhonne Says:

    bossing… buhay pa ga tong contest na ito?
    pasabit na lang nito… http://batanggero.blogspot.com

    at ito ang entry ko… title? (Anak ni Kulapo: Apo ni Kopong-kopong)

    http://batanggero.blogspot.com/2008/10/anak-ni-kulapo-apo-ni-kopong-kopong.html

    wiwit!

  13. Sikatchupoy Ka Talaga Buraot - Contest! « Ang Dakilang Tambay Says:

    [...] ni Kulapo na pamangkin ni putakte, ang palad ko ay biglang nangate noong mabasa ko ang pacontest na are. Ito na ata ang pinakamatindi, sa dami ng papremyo totoo namang ikaw ay maririnde. Kaya ano [...]

  14. Anak ni Kulapo » Bagong Pautot ng Lintekard Says:

    [...] mo na ba? Dun sa mala-impakto kong pautot na na di ko mabilang ang mga sumasali (eleven lahat), bukod sa greenbaks, nagpapamudmod din ako ng [...]

  15. paperdoll Says:

    kahit pala anong pangungulit co hindi parin aco makakasali. . ngayon co lang naintindihan. . pero di pa rin masyado. . bakit kasi kailangan pa ng pesteng paypal na yan. .!? wala nmn acong master card, creditcard, calling card. . di bale na nga. . nakakalungkot na kuyukot. .

    paperdoll’s last blog post..WILLIE OF FORTUNE

  16. BURAOT Says:

    eh sumali ka na rin, kung manalo kaw, di gawan natin ng paraan. papadala ko thru airmail. weheheheh.

  17. kosa Says:

    bossing, amo, kosa… sasali ako kaya lang bagito pa itech sa blogworld..lol pero sasali pa rin ako hahahaha… 2months old lang blog ko..pero madami na akong abeyd readers..mga may isa na rin… kasama na ako.. hehehe

    kosa’s last blog post..utak mo

  18. BURAOT Says:

    pwedeng pwede ka sa selda ko kosa.. lols!

  19. Shannon Says:

    hello, sali po ako sa contest, here is my entry Ang Utot Ni Buraot tnx

    Shannon’s last blog post..Ang Utot Ni Buraot

  20. Shannon Says:

    ok po ba yung entry ko? hahaha

    Shannon’s last blog post..Ang Utot Ni Buraot

  21. shugah Says:

    hi. gusto kong sumali :D
    shugah’s last blog post..im back ~~~

  22. Anak ni Kulapo » Sikatchupoy Contest FAQu! Says:

    [...] document.getElementById(’zg_whatdiv’).style.display = ‘none’; Reklamadors shugah on Sikatchupoy si BURAOT Contest!Yummy Dingding on Cachupoy BlogsShannon on Sikatchupoy si BURAOT Contest!itot on Palatastas #13: [...]

  23. BURAOT Says:

    oks na oks shannon… tenchu!

    sali kaw shugah…. welkam lahat. heheheh.

  24. Nicely Says:

    ayan naintindihan ko na kasi may example!

    Nicely’s last blog post..Kidlets Rock!

  25. BURAOT Says:

    okey na pala nicely. heheh.

  26. boy kuripot Says:

    Hala eto post ko. Akala ko nawala na itong website. Buti bumalik! Sikatchupoy si BURAOT Contest

    boy kuripot’s last blog post..Power to ChewS - Mentos

  27. BURAOT Says:

    boy kurips…. tenkyu sa pag update ng links. dont wori di ko naman nalimutan yung link mo. hehehe. teka nga wala ka pa ata sa cachupoy blogroll ko…

  28. coolit Says:

    halu buraot! buti naman at ok ka na ulit matapos mong mag lipatbahay :D hehehe… balik saya na naman.. salamat sa pagtangap ng entry ko. ayu-ayu dha bai! :D weeee

    coolit’s last blog post..Blue Jaz, Samal outing

  29. BURAOT Says:

    ayos bay!

  30. jamesyan Says:

    magandang alon , sali po ako sa contest, here is my entry Ang Utot Ni Buraot. taksyapu mo kalambat da nakang pantunan master at kamu pala keni maki utut ku neh…

  31. BURAOT Says:

    helow james… cabalen, anong blog mo? di ko kse makita yung pingback… hehehe.. hanapin ko ulit.

  32. Mahalia Says:

    tapos na ba ito?

    Mahalia’s last blog post..A Dead Man’s Blog

  33. BURAOT Says:

    di pa mahalia. abot abot ka pa. sa nov 30 pa ang ending nito. sali kaw!

  34. abe mulong caracas Says:

    whew nape-pressure ako! Kasi naman kung bakit kamakailan lang ako natutong mag blog! Hindi ko alam na pwede pala itong pagkaperahan tulad nitong pautot na ito.

    At dahil hindi nga ako techy, hindi ko naintindihan ang paraan kung ano ang gagawin paraa makasali sa patimpalak na ito…Haaaay sino kaya ang tutulong!

    Nape-pressure talaga ako peksman!

    abe mulong caracas’s last blog post..Balik Tanaw…naaw….naaw…naw

  35. BURAOT Says:

    hehhe. mulong, ang pautot ko ay simple lang naman. mukha lang mahirap. gumawa ka lang ng post sa blog mo tungkol sa pautot ko. tapos lagay ka lang ng link sa site ko ng 2 beses, isang link sa mismong url ng site ko, tapos yung isa naman link sa kahit saang entry o page ng site.

  36. kelsey Says:

    ayan nakapag Post na din po ako….check it out guys at http://chichiriya.blogspot.com/2008/11/win-550-from-anaknikulapo.html

  37. Dhadha Says:

    Hi buraot! nag email pala ako sayo.. Check mo ha? Astig tong pacontest mo! :)
    Dhadha’s last blog post..Sikatchupoy si Buraot Contest

  38. Sikatchupoy si Buraot Contest | I Heart Contest Says:

    [...] ayan, kung sino man sa inyo ang gustong sumali sa hanep na pautot ni Buraot, i-click niyo ng mabuti ang link na ito. Dali-an niyo, hanggang November 30, 2008 lang [...]

  39. BURAOT Says:

    @ chichiria: natrace na ng autobots ko yung entry mo teng. tenkyu!

    @dhadha: enkyu dhadhad… kita ko na rin entry mo. punta na ko dun. now na!

  40. sweetytots Says:

    Gusto ko ung rapsaduldels mo..pagbungad pa lang ng piktyur natawa nako.. tapos may 2 link nren sa blog ko dito. http://sweetprettynaughty.blogspot.com/2008/11/do-you-want-to-win-300-gusto-mong.html sinali ko nren sa iba ko pang blog.. kse pwede na pala.. sa bagong blog.. nabaso ko rin sa iba mo pang ka-ekekan.. kaya sinali ko narin d2.http://memoryfilled.blogspot.com/2008/11/manalo-ng-300.html

  41. BURAOT Says:

    oke sweetytots… check ko na. now na!

  42. Nathan’s Haven | Impaktong Pakontes Says:

    [...] nyong makita? silipin mo lang pero babala baka mahawa ka ng ka-IMPAKTUHAN hehehe: eto ang site: http://www.anaknikulapo.com/2008/04/07/sikatchupoy-si-buraot-contest/ Ayan na ayan na! Kasali na ako…. kung gusto nyong sumali… silipin lang are: [...]

  43. Rommel Bondoc Says:

    Impakto talaga ang website na to hehe… hindi ko malaman kung papaano ako napadpad dine…

    pero nag-enjoy ako sa kakabasa… bwahahahaha!

    Ayan po… napost koh nah ang aking artikol…

  44. BURAOT Says:

    hehhe. salamas tol…

  45. BM Says:

    gosh, sasali ko dito! Sayang yung cash.

    BM’s last blog post..Win $300 From Sikatchupoy si BURAOT Contest!

  46. BM Says:

    O eto yung sakin: http://qt.makemoneyonline-x.com/2008/11/win-300-from-sikatchupoy-si-buraot.html pasok na ba ‘ko?

    BM’s last blog post..Win $300 From Sikatchupoy si BURAOT Contest!

  47. Aphrodite Says:

    Sali po ako..http://ruthrush.blogspot.com

    Aphrodite’s last blog post..The Rush Christmas Tree

  48. BURAOT Says:

    yos BM at ruth, abot abot ang entry nyo. gudlak blakjacks!

  49. vhing Says:

    WIT…WET.. NYO PO INTRI KO….SALE PUH AKU

    http://vhing4all-il-ph.blogspot.com

    SURVIVOR:the REALITY of my LIFE

    LAST BLOG: CENTIPEDE, PROCUPINE , HOOPOE
    pti2hin,ihawin,barbikyuhin

  50. shannon Says:

    ay, andito pala sa kabila ang comment ko. hehehe… sensya na buraot

    shannon’s last blog post..Watch Heroes Season 3 Episode 11 The Eclipse, Part 2

  51. Helena Says:

    yey, abot ako. pacheck na lang po if I did it right. Yung about sa mga rules. Medyo may pagka-eng eng eh.

    http://romancinghelena.com/2008/11/manong-hindi-kita-makalimutan.html

    Salamas!

    Helena’s last blog post..Manong: hindi kita makalimutan

  52. BURAOT Says:

    ok na yan helena. ni check ko. maliban lang dun sa mga hyperlinks. di ata gumagana. me mali lang konti sa html coding.

  53. BURAOT Says:

    ok na vhing, pasok na entry mo.

    @shannon: hehehe. napahanap pa nga ako eh. kala ko nawawala nga.

  54. Helena Says:

    Hehe naayos na. bopols lang yung pagkakalagay ko kahapon nung links.

    Helena’s last blog post..Manong: hindi kita makalimutan

  55. BURAOT Says:

    oks helena, tenks.

  56. Ambo Says:

    Buti na lang dala ko laptop ko at me libreng Wi-Fi dito sa hotel! Dito ako Subic dalaw ko erpat sa sementeryo hehe. Eto nakahabol ako yahoo!
    http://pinoyambisyoso.com/blog-contest/anaknikulapocom-pautot-contest/

    Ambo’s last blog post..Anaknikulapo.com Pautot Contest!

  57. jh3n Says:

    haha aabot pa kaya ako? bahabol. i joined your contest. :P
    http://jh3n-a-holic.blogspot.com goodluck sa contest!

  58. Pinoy Ambisyoso l Anaknikulapo.com Pautot Contest! Says:

    [...] nga pala kaya ako nagsusulat tungkol kay Ka Buraot e sumasali ako sa pakontest nyang Sikatchupoy si BURAOT Contest! Ito na ata ang pinaka sosyal na contest na nakita ko sa buong buhay ng pagba blog ko! Kabog ang [...]

Leave a Reply


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

Bagong salta? Kunin mo welkam gift mo dito

BABALA:
Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

Para sa LIBRENG updates


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

Featured Songer

Barilin si Boy Pana