Bwena Mano

BABALA:

Koboy lang ang pwedeng pumasok dito! Kung Indyan ka, sorry ka!
PG 13 & PG 75 Ang ilan sa mga eksena ay maaaring hindi angkop sa mga bata. Patnubay ng magulang ay kailangan. Kung sobrang tanda mo naman, kailangan mo ng patnubay ng mas nakababata, baka di mo maintindihan.

HOY IKAW!!!

Wala ka rin lang magawa, join ka na sa pautot ng mga pautot.. ang pautot ng promotor ng site na ito. Ang Sikatchupoy si BURAOT Contest!
Magpapamudmod si BURAOT ng $550 dollars at 4,500 ec. Para sa detalye Klik mo mukha mo dito!

Page Me

Bagong Salta?

SUBSKRAYB HERE!


Salpak Mo Email Mo Dito:

Ipapadala thru Airmail

BURAOT Nation

Kauutot Pa Lang

I Love the 80's

Dear Ate Charo:

Bwisitors

Reklamadors

Hanapin, Barilin si Boy Pana!

Hulihin, Panain si Ben Boga

RateA Pinoy BloggerHumor Blogs - BlogCatalog Blog DirectoryDirectory of Humor Blogs Humor Blogs blog directory BlogRankers.com

Spin-a-Win!

Salingket!

dealdotcom Earn $$ with WidgetBucks! Entrecard Credit Generator

Pautots

Baul ni Kulapo

Mga Naburaots

free counter

Muta

Thursday, November 20, 2008

Wala pa akong balak mag post. Wala akong gana. Papasyal pasyal lang ako sa internet. Wala lang magawa. Wala wala wala.

Balak ko lang naman mag hit and run ng mga lintekards sa mga suki kong tindahan. Yung iba ko kasing blogs na nilalangaw, eh dami nag da drop, di ko nasusuklian ng counterdrop. Kakahiya naman. Kaya ayun, ikot muna ng konti. Papose pose. Pa prokos prokos. Pakyut. Papiktyur.

Naispatan ko itong isang news sa yahuu. Kakaiba to. Sempre binasa ko, kaya ko nga pinost dito.

Teen lives 4 months with no heart…

Akala ko ko kasi mga kontrabida lang sa mga soap opera ang walang puso. Meron pa din palang iba.

Ayon sa sabi sabi, apat na buwan na walang puso ang batang are. At that time daw, binibigyan lang sya ng artificial heart pumps. Ibig sabihin, me humihihip lang sa mga balbula nya sa katawan para dumaloy ang dugo mula sa kanyang tubo sa malapit sa heart, dumadaan sa kanyang mga atay at balun balunan hanggang sa brain. Galing.

Ibig sabihin nun, pwede palang walang heart. Pwede na rin sigurong alkaline battery lang ang magpapatakbo. O kaya kukuha ka ng taga-ihip.

Wednesday, November 19, 2008

Akala ko commercial ng kuritas… para sa singaw pala.

Monday, November 17, 2008

Una ko itong nabasa sa blog ni Ka Ambo.

Alam mo naman ako, laging huli sa balita. At alam mo din naman sa Pinas, linggo linggo, kung anu anong scandal ang lumalabas. Madalas makikita mo sa bangketa na puro pirated na DVD, puro scandal scandal. Tingin ko nga gawa gawa na lang nila yun para lang bumenta.

Tayo kasing mga pinoy likas na ma-L. As in Lambing.

Achaka uso na din kasi yung mga video video na yan ng mga artista. Minsan sinasadya na din lang para sumikat. Andyan si Pampam at Tommy Lee. Syempre di mawawala yung sikat na sikat na video na Paris Sheraton na di ko naman malaman kung bakit sumikat, e wala namang kwenta yung video. At kahit na type ko si Kim Karshoeshine, ampangit din nung video nya. Feeling mga pornstar kasi, wala namang binatbat.

Sa lokal scene naman, ayan puro kung anu anong mga scandal kuno. Pati si Booba, meron din. At sempre etong pinakahuli, ang ke Criselda Volks wagen.

Buti na lang ako, ang mga video ko, secure. Wahahahah!

Anyhoo, nabasa ko nga sa blog ni Ambo ang okey sa olrayt malaswang video ni Criselda. Natural curious ako. Alangan namang hindi. Me nagpost pa ng comment kung saan makikita at mada download yung mga video nga.

Search naman ang lolo mo. Walanjo, inumaga na ako kakahanap di ko makita. Puro mga interbyu, walang video. Pero sa kahuli-hulihang sandali, nung inaantok na ako, nakita ko din. Iba na ang matiyaga.

Kung interesado ka din na tulad ko. Wag ka na maghanap, ituturo ko na lang sa yo. Heheheheh.

Kulitin mo muna ako.

Sunday, November 16, 2008

Matapos ang forty five years kong paghahanap, sawakas, nakahanap na ako ng bagong cellphone. Siguro din naman, ito na ang huli kong post na tungkol sa mga telepono. Naku-kuliling na din naman ako.

Ang napili ko….  sempre, alam mo naman ako, kelangan hayteks at palaging kakaiba. Eto na ata ang pinaka latest sa lahat ng mga latest.  Ayoko na ng cellphone na me ref. Bukod kasi sa mahirap sya ilagay sa bulsa, mabigat din kasi sya dalhin. Kaya ang pinili ko, yung convenient para sa mga katulad kong on the go go go. Kahit saang bulsa ko isuksok, pasok.

Eto pa ang ibang techie stuff at specs na kasama ng bago kong phone:

Libre ang wifi kahit saan. Basta me nade detect na AM radio, kahit Intsik, me wifi. Touch stone qwerty keyboard at scientific calculator. Me kasama ng back lights. Paperwhite ang screen. Me libreng dot matrix na printer. Dahil in na in ang pagiging earth friendly, 45 years ang battery load kaya matipid sa charge. Multi touch screen, kahit sabay sabay mo itouch pwede din.

Meron din syang secret pocket na pede mo lagyan ng mga sinkong duling. At detachable na swiss knife for the McGyver in everyone.

May built in 1.0 superpixel camera na rin sya, just point and shoot. Pagka shoot mo, diretso print ng piktyur sa attached na dot matrix printer. Sorry hindi libre ang papel, sobra na yun.

Sempre, me built in mp3 player din sya at speakers. Pag pinatugtog mo, aalog ang kotse mo sa tindi ng base. Pwede mo na ngayon ibalandra ang kotse mo. Di nila alam na sa phone mo lang nanggagaling ang sounds.

Bukod sa matipid sya sa power, matipid din sya sa bulsa. Di mo na kelangan ng plan. Puro pasalod ka na lang. Kada text back ng text mate mo, automatic nagpapasalod ng 2 piso. Kaya kung epal ka, mas patok. Hitech na,  environment friendly pa sya, economical pa. San ka pa?

Di lang yan, me kasama pang wordpress at blogger applications pati na rin photoshop kaya patok na patok sa mga bloggers na tulad ko. Pwede na rin akong mag post ng entry sa mga blogs ko sa pamamagitan nito.

Me USB port din syang kasama at included na 100 GB na storing capacity. Kung kaya pwede mong i-save dito yung mga porn videos ni Criselda Volks na di mo alam kung saan mo itatago.

Isa lang ang problema. Madaling mawala.

 

 

 

Saturday, November 15, 2008

Konting pautot muna. Baka kasi mapanis itong ibinigay sa kin ni Ruthie na Mahalan ng Mahalan Award. Kaya habang medyo mainit init pa, kelangan ko nang isalpak. Tenkyu Ruthie sa link at sa award.

Sori tsong, para sa mga tsikabeybs muna to. Alangan namang ipasa ko din sa mga kelots, awkward.

 

Ito ay para sa world peace! Gimme a kiss sabay hug!

O heto para sa inyo to, mga bagong kaututang dila….

Dhadha, Karen Dayle, Shannon, Chichiriya, Nicely, Gail at Sweety.

Magpapalit palit na muna ako ng sound trip dito lagi lagi.

Tutal di naman ako mauubusan ng music sa mundo kaya iiba ibahin ko naman ang tema. Kung sakali namang maubusan nga ako ng music, kung sakali lang naman… isasalpak ko na lang ang mga kundiman na music ng tatay ko, kagaya nung background music ni Ruthie.

Sa ngayon eto, tamang 80s hair metal muna ako dito. Eto kasi yung mga music nun kapag nag-inuman kami sa Shakeys. Oo cowboy grill na sya ngayon. At oo, medyo baduy na ngayon uminom dun. Noon kasi oks na oks. Bago kami pupunta dun sa Ermita, magba bake muna kami ng mga kapawa ko cub scout ng brownies. Sarap mag sound trip. Habang lumalangokami ng pitsel pitsel na drop beer. Headbang!

Kahit di pa uso nun ang air guitar, expert na kami lahat.

O sya sya…. tagay!

Thursday, November 13, 2008

Kakagising ko lang.

Dahil malamig na dito sa kuta ko, syempre sarap matulog. Dose oras ako natulog. Medyo sumasakit na naman kasi ang paa ko kaya maaga akong boundary. Di na ko nag-online, di na rin ako nag-almusal. Pagkabihis, sinilip ko lang sa salamin ang aking abs abs abs abs na 12 pack, diretso na ako sa kama. Alas otso yun ng umaga.

Alas otso na ng gabi ng magising ako. Pero di muna ako bumangon. Nagpa-inin muna ako. Isip isip ko kasi, kahit tahimik, madididnig mo pa rin yung mga ugong ng sasakyan at mga air conditioners ng mga kapit bahay.

Di katulad sa Pinas, lalo na dun sa amin sa Timbuktu, super tahimik. Pwera na lang kapag me naghahabulan ng taga. Sa gabi, wala kang maririnig na ingay ng syudad. Puro huni lang ng mga ibon at paminsan minsang “toooo-koooooo”. O kaya ingay ng mga kulisap at huni ng mga insekto sa gabi.

Dati nung umuwi ako at nag-reunion kaming pamilya, punong puno ang bahay namin. Apaw. Anlaki kaya naming pamilya. Kaya kapag gabi na, wala kang mapwepwestuhan sa bahay. Kahit yung ibabaw ng frigider namin, me nakahiga. Kung magugutom ka naman para mag midnight snack, sorry ka. Kasi kahit na mabuksan mo yung fridge kahit me nakahiga sa ibabaw, wala ka naman kakainan, kasi me dalawang nakahilata sa lamesa. Makikipag-patintero ka din sa mga nakahiga sa buong sahig magmula sala, hanggang kusina.

Kaya naman di ako natulog dun. Dahil special child ako, dun ako sa katabing bahay ng ate ko, solo ko ang room, walang kaagaw. Sarap pa ng higaan kasi papag na gawa sa kawayan, malamig. Preskong presko. Wala ata nun sa isteyts.

Isang gabi, nakahiga na ako, me naririnig akong sumisitsit.

Psssstttt…. pssstttt!

Isip isip ko… Naman teng! Tawag pa ng tawag pa eh grogi na nga ako eh. Ayoko naman nang makipag inuman. Magastos. Sawa na rin ako sa tong-its, puro mo ang kalaban. Lugi.

Psssttt… psssttt….

Hay naku, dinedma ko na nga lang at natulog na ako. Kinabukasan, pasyal pasyal kami sa plasa. Sempre bakasyonista, galing isteyts, mamula mula pa.

Pagbalik namin sa bahay, nakita kong me hila hila yung bayaw ko na sawa, 8 feet. Sabi ko, “o kuya, san mo nahuli yang pagkalaking yan? Ano yan pulutan?”

Sagot ba naman sa kin, “alay hinde! Nahule ko, andun sa ilalim nung papag mo, babalatan ko nga are at gagawin kong wallet baga.”  Para akong nakalunok ng isang buong pakwan.

Nung gabing yun, di na ko natulog dun. Nagtyaga na lang ako dun sa balkonahe ng bahay namin, kahit mahamog at malamok, nilagyan ko na lang ng kumot na bubong.

Bangag din ako sa katol.

Wednesday, November 12, 2008

Heto… ganito ang hitsura ng paang nababad sa baha at nagkaron ng alipunga. Nagdudurog-durog pah! Sarap sa kape.

Tuesday, November 11, 2008

Wala ng ganyang telephone booth ngayon. Nung elementary ako, meron pa. Tatlong bente singko lang kelangan mo, pwede ka nang makipag phone pal. Kahit saan. Kahit kelan. Maasahan. Basta mauna ka lang sa pila.

Dati rati, ito ang pwestuhan ni Superman pag magpapalit sya ng costume. Ngayon hanggang elevator na lang sya.

Sabi sa kin ng lolo ko, dati di mo kelangan ng tatlong bente singko, apat na dyes lang pwede na. Sempre yung lolo ng lolo ng lolo ko, lata lang na me tali. Sempre dahil laging tumataas ang presyo, yung kwarenta sentimos, naging seventy five na. At ngayon nga, me phone booth pa rin naman, phone card na gamit mo at malamang madaling mauubos yung 100 mo.

Bihira lang kasi ang me mga telepono nun sa bahay. Pag wala kang makitang pulang telepono, pumunta ka lang sa tindahan sa kabilang kanto, pwede kang makitawag sa halagang limang piso hanggang three minutes. Bawal ang telebabad. Kundi babatuhin ka ng kulangot ni Mang Sebyo.

Pag nag-apply ka naman kasi sa PLDT, inaabot ng taon. Dahil atat magkaron ng phone pal nung lolo ko, nag-aaply na kami sa PLDT. Grade 1 ako nung mag-apply kami. Sakto naman, nung Grade 4 ako, me linya na kami. Sakto rin kasi kainitan ko nun. (makipag telebabad)

Sino ba naman ang makakalimot sa teleponong kulay itim na mukhang bomba at de-ikot yung numero. Di ka rin pwede mamili ng ringtone kasi wala kang masyadong choices. Kring Kring at Krung Krung lang ang pagpipilian mo. Madalas pa nga kapag gabi na, basta na lang sya magri-ring at me longkatuts na gusto lang makipag phone pal. Dami ko tuloy naging jowang atsay. Wahahahah!

Hambilis talaga ng panahon. Dati wala pang me cellpon. Yung mga businessman lang. Yun yung cellphone na kasinlaki ng generator.

Ngayon, pati magbabalut naka cellphone, me katext na magpepenoy.

Monday, November 10, 2008

Grabe… akala ko iniwan na nya ko.

Nagising ako sa sobrang katahimikan. Di din ako nagising sa alarm. Nung imulat ko ang mata kong medyo napupuno na ng morning glory, nakita ko sya. Pupugak pugak. Nung ni check ko ang kanyang vital signs, malabo na talaga. Kumurap lang sya ng isa, tapos bumigay na. Oh No!

Dali dali kong hinanap ang kanyang first aid.  Isinaksak ko kaagad. Binigyan ko pa ng mouth to mouth. Baka sakaling ma-revive pa. Di pupwedeng mawala sya. Napaka-importante pa naman nya. Marami syang nalalaman tungkol sa akin. Hindi pupwede. Hindeeee…

Habang nagpapalipas ako sa labas ng room, esep esep ko… dapat pala matagal ko nang piniga yung mga impormasyon sa kanya. Kasi kapag bumigay sya, wala na lahat yun. Sayang. Yosi muna ako, pampakalma.

Lumipas ang syamnaput sampung minuto, bumalik ako. Tuwang tuwa ako sa galak. Kasi me nakita na akong pag-asa. Muling kumikislap ang kanyang mga mata. Dali dali kong binuksan ang aking lumang iPone na kasing laki ng baterya ng traysikel.

Bilis bilis kong kinuha lahat ng phone number dun. Linsyak. Baka tuluyan ng bumigay eh. Sayang yung mga kuneksyon ko. Mga taong regular na tumataya ng ending sa akin.

Kelangan ko na talagang bumili ng bagong cellphone. Sempre kapag bumili ako ng bago, kelangan hayteks. Sempre gagastos din lang naman ako, e di yung patok na. Lam mo naman ako, kelangan laging kakaiba. Me nakita akong bagong celphone, me kasama na syang ref.

Kung bakit kasi nawala na yung mga teleponong kulay pula at huhulugan mo lang ng tatlong bente singko. Sempre di mo na inabot yung phone na yun. Kopong kopong pa yun no. Pasa lod na lang inabot mo.

Hanap nga muna ako…..

Older Posts »